Translate

GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

 Markahan 1
 Sinangunag panahon hanggang sa pagtagtag ng kolonyang español
 Module 1
 Pagpapakilala sa primaryang sanggunian
 Gawain
  1.  Kahulugan sa primarya at sekundaryang sanggunian
  2. Limitasyon ng mga sanggunian
  3. Kaugnayan at kahalagan ng primaryang sanggunian

 Oras
 Lima (5)



MODYUL SA PAGKATAO
Pangkalahating ideya

    Paano natin nalalaman ang mga nangyari at nangyayari? sa sarili nating buhay, umaasa tayo sa iba-ibang pinagmulan ng impormasyon katulad ng personal na liham, email o text sa cellphone, litrato, at kwento ng kaklase o kaibigan Tungkol naman sa nagaganap o naganap sa bansa, umaasa tayo sa dyary, telebasyon at radyo para sa balita, o kaya sa kwento ng ating mga magulang at guro. lahat ng mga ito ay sanggunian ng impormasyon na ating ginagamit upang maunawan ang isang isyu o pangyayari, magdesisyon Tungkol sa isang bagay, at lumahok sa iba’t ibang gawain sa bahay, paaralan at lipunan tatalakayin nitong modyul ang mga uri, anyo, limitasyon at kahalagahan ng mga sangggunian sa araw-araw na buhay sa kasaysayan.

   Anuman ang natitira mula sa nakaraan, katulad ng sulat o larawan, ay ituturing na primaryang sanggunian, maging sa personal na buhay o sa buhay ng bansa. Bilang bakas ng nakaraan ang primaryang sanggunian ay katibayan na may nangyari. Kung wala ang sangguniang ito. Hindi natin matitiyak na may naganap, saan at kailan ito naganap, kung ano ang pangyayari at kung sino ang naroroon.

   Dahil ang primaryang sanggunian ay gawa sa aktwal na saksi ng pangyayari, nagbibigay ito ng buhay